For today’s entry, I will post the poem that I wrote several years ago.
IBINIGAY NA SA KANYA
Andami niyang pangarap
Sa dami niyang gustong makamit
Hindi niya alam kung paano niya makakamit ang pangarap niya
Sa tuwing iniisip niya iyon
Siya’y napapabuntong hininga at nalulungkot.
Siya’y nagdarasal ng taimtim
Upang siya’y tulungang makamit ang kanyang pangarap
Pagkatapos niyang magdasal
Naglalakad siya sa pamilihang bayan
At nakita ang iba’t-ibang uri ng pamumuhay ng tao
At nasabi sa kanyang sarili
"Salamat sa iyo, Panginoong Diyos
Dahil hindi mo kami pinababayaan
Nawa’y patuloy mo kaming gabayan
Sa takbo ng aming buhay
Salamat sa iyo."
Lumipas ang mga taon
Naging maganda ang takbo ng kanyang buhay
Sipag, tiyaga, paalala ng magulang at tulong ng Maykapal
Ang kanyang naging gabay sa buhay.
Naluha siya ng mabasa niya
Ang tulang sinulat niya noong nag-aaral pa siya:
"Pangarap niyang hinahanap ay nasa kanyang kamay lamang
Panahon ay lilipas ng hindi mo napapansin ngunit
Unti-unti mong makikita ang katuparan ng iyong pangarap
Patuloy ka lang magpursige at makakamit mo ang minimithi mong pangarap"
At duon niya naisip
Pangarap niya’y ibinigay na sa kanya.
(Pictures taken at the 2nd Floor of Jollibee Malolos Bayan last August 1, 2009)
For inquiries, you can send your e-mail thru buhay_radyo@yahoo.com
The Gospel For Today
6 years ago
No comments:
Post a Comment