Saturday, August 15, 2009

Dalawang Kasabihan

“The pen is mightier than the sword”

“Ang dila ay mas matalas pa sa isang espada”

Dalawang kasabihang napatunayan kong totoo
Masugatan ka man ng espada o matutulis na bagay tiyak ay maghihilom
Pero oras na sirain ang pagkatao mo ng isang salita o panulat,
Panghabangbuhay na ‘yang magmamarka sa iyo
Kahit pa sabihing wala kang ginagawang masama.

May mga tao din namang inaabuso ang paggamit ng salita o panulat.
Akala mo sila ang mabuti
Akala mo sila ang marunong at mahusay
Akala mo sila walang kasalanan at malinis
Akala mo sila ang makapangyarihan.

Pero sana naman gamitin nila sa wasto ang pagsasalita at pagsusulat.
Imbes na tayo ay makasira, gamitin natin ito para
Mabigyan ng kaalaman ang kapwa nating tao.

Nais kong papurihan ang mga taong gumagamit sa wastong pagsasalita at pagsusulat
Sila na nagbibigay inspirasyon at kaalaman sa kapwa tao nila.



For inquiries, you can send your e-mail thru buhay_radyo@yahoo.com

No comments: