"Ang Cellphone
laging hawak ipinapakita,
binibili kahit libo-libong halaga,
laging pinapalitan ng case,
ayaw magasgasan,
bihirang makaligtaan kung saan iniwan,
mahirap ipahiram, baka masira,
laging binabasa kung may bagong message,
message masarap i-share.
pinapakita ang lifestyle ng tao,
mabilis maluma,
message kung minsan ay late,
kailangan magload para mag-message,
ay mahalagang gamit ng tao,
Ang Bible
laging nakatago at ayaw ipakita.
ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga.
hindi man lang mabilhan ng case.
hinahayaang maalikabukan.
madaling makaligtaan kung saan naiwan.
madaling ipahiram, kahit mawala.
hindi binabasa kaya hindi makita ang message.
verse nakakalimutang i-share.
nagpapabago ng lifestyle ng tao.
hindi naluluma.
laging on time ang message.
laging fully loaded ang message.
ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao."

For inquiries, you can send your e-mail thru buhay_radyo@yahoo.com
No comments:
Post a Comment