Saturday, April 25, 2009

Tula ng Tinatamad

Ang sarap ng tulog ko kagabi.
Bumawi ako ng tulog dahil nung nakakaraang araw,
sumakit ang aking tenga dahil sa sobrang linis.
Hayun, nagasgas ang balat sa loob ng tenga.

Sa aking paggising nakita kong basa ang lupa at malamig ang paligid
siguro umulan kagabi.

Ang aking katamara’y biglang dumating parang gustong matulog muli.
Pero sa halip na matulog binuksan na lang ang computer at nag-internet.

Habang ako’y nasa harap ng computer naalala ko ang aking mga naging kaibigan.
Nakakatuwang isipin na sila ay nasa mabuting ng kalagayan.
Ako kaya’y naaalala pa nila.

Kung ikaw ay isa sa mga naging kaibigan ko at nakabasa ng entry na ito,
maaari ka bang magcomment.
Salamat, kaibigan.

No comments: